Friday, September 19, 2008

Betty La Fea Hinamon ng Sipa si Dyesebel


Ito na ata ang pinaka kontrobersyal ngayon sa primetime. Usap usapan ngayon sa ilalim ng dagat ang tsismis na hinamon daw ng larong sipa ni Betty La Fea si Dyesebel. Naku gaganda pa kaya ang alon pag nalaman ito ng mga adik sa panonood ng isda- isdaang si Marian R. Patatalo rin kaya ang mga nerd na colleague nitong si Bea A..

Nagsimula daw ang away ng magkita sila sa isang parlor. I mean ng matalo si Dyesebel sa larong Trip To Jerusalem...yah korek ka dyan, parlor games. ( Iba yung nag-away sa parlor, si Claudine at Angel yun )

Napikon daw kasi si Dyesebel sa mechanics ng laro dahil ayon sa mga conductor ng laro ay di pedeng sumali ang mga sirena dahil mahihirapan lang itong umupo. Pero imbis na sa mga conductor ng palaro magalit si Dyesebel ay pinagbuntungan nito ng galit si Betty dahil kundi dahil sa kapangitan ng isa ay di daw sana siya minalas.



Betty was so under-estimated pero was so fed up na rin dahil matagal na siyang inaakusahang pangit ni Dyesebel kahit hindi naman daw ayon sa kanya.



Sa Susunoddddddd! na linggo sa The Buzz there would be an Exclusive interview ...pero hindi kay Betty and Dyesebel. Sayang.

Thursday, September 18, 2008

Ate Glo will have a Duet with Charice P.



What?!!! Matapos ang matagumpay na duet ni Charice kay Celine Dion kamakailan. Heto't meron na namang sikat na tao ang gusto siya makasama on stage. Hindi lang pang showbiz ngayon ang beauty ng batang sumikat sa Youtube pang politics pa. You heard it right, walang halong kabaklaan mga pare! heheheh... dahil sa susunod na buwan ay magkakaconcert muli si Charice, not in the U.S but here in our beloved country at ang twist mga dudes , with our beloved president Ate Glo...san ka pa.



Masyado kasing stress ngayon si Ate Glo sa kanyang political career kaya break muna siya. Mega naghahanda ngayon si Ate Glo sa kanyang duet with the international singing sensation ng bansa na balak daigin ang Mega Concert ni Sharon Cuneta.

Nang tanungin si Charice kung kabado siya. " Medyo po, kasi baka patakbuhin din niya kong Congressman in the future eh. Strict ang mommy ko."

Ah ganun ba?

Nang tanungin naman namin si Ate Glo. " Well! No! As in No! No! No! "

Mukhang exciting di ba naman, kaya mga kapamilya, kapuso, shake mo na t.v mo dahil tuloy na tuloy na nga ito . Gaganapin ang nasabing concert sa loob ng Malacanang at hindi imbitado si Jun L. as in Jun Lalin.

Spongebob Another Scandal

Primetime Bida Ka Updates
clickmarbin.sulit.com.ph - Friday, September 19, 2008

2008 © Sulit.com.ph





Isang malalang kaso ngayon ang kinakaharap ng sikat na cartoon character na si Spongebob Squarepants. Matatandaang si Spongebob ay nasangkot na sa kasong public display of affection 'nung nakaraang taon. Ngayon naman pagtae sa dagat ang kaso niya.

Tatlong starfish daw kasi ang namatay matapos makontamina ang kinakain nilang butete. ( aba! kumakain pala ng Butete ang mga starfish Kuya Kim ).

Iniisip pa ng mga abogadong shokoy ang kasong isasampa nila sa tinaguriang Most Popular Yellow Sponge On Earth. Samantala, balak namang magsampa rin ni Spongebob ng kasong libel sa mga taong nag-akusa sa kanya, ayon sa kanya ang mag spongha daw ay di marunong umebak kaya imposible daw ang akusasyon na ito.

Sa ngayon, kayo mo na ang bahalang humusga kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo.



video source youtube